Nakabili kami ng bahay at lupa sa bangko, may title, bayad ang amilyar. Kaso ang problema wala naibigay sa amin na building plan and electrical plan, ano ang dapat gawin? Natawagan ko na ang bangko at nabaggit sa amin na wala daw silang kopya ng plano. Nung nagpunta ako sa cityhall ang sinabi sa akin ay di daw nila mahanap ang plano. Ang bahay po ay main house at may mga mini apartment sa gilid, nung humingi ako ng tax declaration sa cityhall napansin ko na di kasama ung mini apartment sa size ng building na nakasulat sa tax declaration, sa tingin ko ay di registered ung mga mini apartment. Ano po kaya dapat naming gawin dito? Balak ko sanang magtayo ng maliit na negosyo sa isa dun sa mini apartment kaso hinahanapan kami ng building permit. Eh ang requirements sa building permit ay building plan at electrical plan.