Hi po sa lahat,
Gusto ko lang po sana malaman kung ang naibayad ko ng DP sa developer ay maaaring ipasalo sa iba o maibenta pa? Updated naman po amg aking hulog at kaya pang tapusin hangang june this year. Ang kaso dahil po sa covid19 nanganganib po ang aking trabaho bilang seafarer at maaaring hindi maaprubahan din sa bangko at masagad ang savings. Kaya naisip ko kung sakali maaari bang hanapan ng sasalo sa aking binabayarang bahay.
Maraming Salamat po sa makakasagot sa aking katanungan. Godbless us all🙏